ORAS
Oras... Huminto ang oras nang masilayan ka
Tila ang mundo’y tumigil pansamantala
Tanging ikaw lang ang aking nakikita
Parang isang anghel sa aking mga mata.
Oras... Hinihintay ang oras na sa aki’y lumapit ka
Tila segundo lang, ika’y nasa harap ko na
Sinabi mo sa aking nais mong makipagkaibigan
Pumayag naman ako ng walang pag-aalinlangan.
Oras... Tumakbo ang oras at hindi rin nagtagal
Ipinagtapat mo sa akin ang iyong pagmamahal
Labis ang galak, nagpasalamat sa Maykapal,
Sapagkat ikaw lang ang tangi kong pinagdarasal.
Oras... Lumipas ang oras, araw, at buwan
Nagulat na lang ako nang ako’y biglang iniwan.
Nalaman kong ika’y bumalik sa iyong dating kasintahan,
Nasampal ako sa katotohanang ako’y pampalipas-oras lamang.